Espiritu, Kaluluwa, at Katawan: Nais ng Diyos na Ingatan ang Buong Pagkatao Ni Chris N. Braza | Soul Care Ministry GOSPEL T-SHIRT/BRAZAAR “At nawa’y ang inyong buong espiritu, kaluluwa, at katawan ay mapanatiling walang kapintasan...” — 1 Tesalonica 5:23 Maraming tao ang maalaga sa katawan ngunit pinababayaan ang kaluluwa. Ang iba naman ay inuuna ang emosyon ngunit hindi pinapansin ang kanilang espirituwal na kalagayan sa harapan ng Diyos. Ngunit malinaw ang ipinapakita ng Biblia: Ang tao ay hindi lamang pisikal na nilalang. Tayo ay binubuo ng espiritu, kaluluwa, at katawan . Ipinanalangin ni Apostol Pablo na ang mga mananampalataya ay lubos na mapaging banal — hindi bahagya lamang. Sapagkat mahalaga sa Diyos ang buong pagkatao ng tao. Ang Katawan Ang katawan ang panlabas na bahagi ng tao. Ito ang koneksyon natin sa pisikal na mundo. Sa pamamagitan nito tayo ay kumikilos, nagsasalita, nagtatrabaho, at nakikisalamuha. Ngunit hindi sapat na malusog lamang ang katawan. Maaaring maay...
Search This Blog
The Divine Table: Cura Animarum, Feed Your Soul



