Cast Your Burdens: The Promise of Psalm 55:22

By Chris N. Braza

"Cast your burden on the Lord, and He shall sustain you; He shall never permit the righteous to be moved"Psalm 55:22

Life is full of burdens. Some come in the form of financial struggles, relationship challenges, or health concerns. Others are unseen but just as heavy—anxiety, fear, and stress. Many of us try to carry these burdens alone, believing we have to figure it all out. But Psalm 55:22 offers a simple yet profound invitation: Cast your burden on the Lord.

The Power of Letting Go

To "cast" means to throw or release something forcefully. It’s not a hesitant placing but an intentional surrender. God is asking us to take everything that weighs us down—our fears, doubts, and struggles—and throw them onto Him. Why? Because He can handle them in ways we never could.

Imagine a child trying to carry a heavy suitcase. No matter how hard they struggle, it's too much. But when a loving parent steps in to take the weight, the child is freed. This is what God offers us.

He Shall Sustain You

God doesn’t just take our burdens; He sustains us. The word sustain means to uphold, nourish, and keep from falling. He provides strength in weakness, hope in despair, and peace in uncertainty. This doesn’t mean we won’t face difficulties, but we won’t face them alone.

Jesus echoes this promise in Matthew 11:28: "Come to Me, all you who labor and are heavy laden, and I will give you rest." He doesn’t promise a life free of troubles, but He does promise rest in the midst of them.

Unshaken Confidence

The last part of Psalm 55:22 is powerful: "He shall never permit the righteous to be moved." This doesn’t mean we’ll never experience trials, but that we won’t be overcome by them. The world may shake around us, but our foundation in Christ is unshakable.

Think of a tree in a storm. The wind may blow fiercely, but if its roots are deep, it stands firm. When we trust in God and cast our burdens on Him, we are like that tree—grounded, secure, and unshaken by life’s storms.

Will You Cast Your Burdens?

God never intended for us to carry our burdens alone. He is waiting for us to surrender them, not because He needs our troubles, but because He wants to give us peace. Today, take a moment to pray and release your burdens to Him. Trust that He will sustain you, and walk forward with confidence, knowing that your foundation in Him is secure.

What burdens are you carrying today? Will you take the step to cast them on the Lord?

BE BLESSED BEYOND MEASURE!


Ilagak ang Iyong Pasanin: Ang Pangako ng Awit 55:22

Ni Chris N. Braza

"Ilagak mo sa Panginoon ang iyong pasan, at ikaw ay kaniyang aalalayan; hindi niya itutulot kailanman na ang matuwid ay makilos."Awit 55:22

Ang buhay ay punô ng pasanin. Minsan ito ay nasa anyo ng mga problemang pinansyal, mga pagsubok sa relasyon, o mga hamon sa kalusugan. Minsan naman, ito ay hindi nakikita ngunit mabigat dalhin—takot, pangamba, at pag-aalala. Madalas nating iniisip na kaya nating pasanin ang lahat ng ito mag-isa. Ngunit sa Awit 55:22, may isang napakagandang paanyaya ang Diyos: "Ilagak mo sa Panginoon ang iyong pasan."

Ang Kapangyarihan ng Pagpapalaya

Ang salitang "ilagak" ay nangangahulugang ihagis o ipasa nang buo. Hindi ito paghawak nang mahigpit kundi isang buong pagsuko. Hinihiling sa atin ng Diyos na ipasa sa Kanya ang lahat ng nagpapabigat sa atin—ating mga takot, pagdududa, at pagsubok—dahil kaya Niyang dalhin ang mga ito sa paraang hindi natin kayang gawin.

Isipin ang isang bata na pilit binubuhat ang isang mabigat na maleta. Kahit anong pilit niya, hindi niya ito kakayanin. Ngunit kapag dumating ang isang mapagmahal na magulang upang buhatin ito para sa kanya, napalaya ang bata sa bigat. Ganito rin ang iniaalok sa atin ng Diyos.

Aalalayan Ka Niya

Hindi lang basta kinukuha ng Diyos ang ating pasanin; Siya mismo ang nagpapalakas at sumusuporta sa atin. Ang salitang "aalalayan" ay nangangahulugang iingatan, bibigyan ng lakas, at hindi hahayaang bumagsak.

Sa Mateo 11:28, sinabi ni Jesus, "Magsiparito kayo sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo’y aking papagpapahingahin." Hindi Niya ipinangakong wala tayong haharapin na pagsubok, ngunit ipinangako Niya na may kapahingahan tayo sa Kanya.

Hindi Ka Matitinag

Ang huling bahagi ng Awit 55:22 ay isang napakalakas na pangako: "Hindi niya itutulot kailanman na ang matuwid ay makilos." Hindi ibig sabihin nito na hindi tayo dadaan sa bagyo ng buhay, ngunit hindi tayo malulugmok ng mga ito.

Isipin mo ang isang puno sa gitna ng isang bagyo. Bagamat hinahampas ito ng hangin, kung malalim ang ugat nito, mananatili itong matatag. Kapag ipinagkatiwala natin sa Diyos ang ating pasanin, tayo ay nagiging tulad ng punong iyon—matibay, nakaugat sa pananampalataya, at hindi matitinag ng unos ng buhay.

Ibibigay Mo Ba ang Iyong Pasanin?

Hindi tayo nilikha ng Diyos upang pasanin ang lahat ng ating problema mag-isa. Naghihintay Siyang kunin ang mga ito upang bigyan tayo ng kapayapaan. Ngayong araw, maglaan ng sandali upang ipanalangin at ipasa sa Kanya ang iyong mga alalahanin. Magtiwala na aalalayan ka Niya, at lumakad nang may kumpiyansa, sapagkat ang iyong pundasyon sa Kanya ay matibay.

Anong mga pasanin ang dala-dala mo ngayon? Handa ka na bang ipagkatiwala ang mga ito sa Panginoon?

SUMAIYO ANG PAGPAPALANG HIGIT SA LAHAT!

Comments

Popular Posts