Lumapit nang May Tiwala sa Luklukan ng Biyaya: Pagninilay sa Hebreo 4:16
Ni Chris N. Braza
"Kaya't lumapit tayo sa luklukan ng biyaya nang may buong tiwala, upang tumanggap tayo ng habag at makatagpo ng biyayang tutulong sa atin sa oras ng pangangailangan." — Hebreo 4:16
Ang Paanyaya na Lumapit nang May Lakas ng Loob
Ang Hebreo 4:16 ay isang makapangyarihang paalala na may malaya tayong paglapit sa Diyos—hindi sa takot, kundi sa buong tiwala. Ang luklukan ng biyaya ay hindi lugar ng paghuhusga para sa naniniwala; ito ay lugar kung saan umaagos ang habag at biyaya. Inaanyayahan tayo ng talatang ito sa isang ugnayan sa Diyos kung saan tayo'y tinatanggap, niyayakap, at pinakikinggan.
Noong unang panahon, nakakatakot lumapit sa isang trono. Tanging ang mga karapat-dapat lamang ang maaaring humarap sa hari. Subalit dito, sinasabi ng Kasulatan na maaari tayong lumapit sa luklukan ng Diyos nang may lakas ng loob. Bakit? Sapagkat si Jesus, ang ating Dakilang Saserdote, ang nagbukas ng daan para sa atin. Sa pamamagitan ng Kanyang sakripisyo, tinanggal ang harang, binigyan tayo ng direktang paglapit sa Ama.
Tiwala, Hindi Paghuhusga
Madalas, nakakaramdam tayo ng hindi pagiging karapat-dapat na lumapit sa Diyos. Nahahadlangan tayo ng hiya, pagkakasala, o takot. Ngunit ang Hebreo 4:16 ay nagpapaalala na ang luklukan ng Diyos ay lugar ng biyaya, hindi paghuhusga. Ang tiwala ay nagmumula hindi sa ating pagiging perpekto kundi sa pagiging ganap ni Cristo. Lumalapit tayo dahil nagtitiwala tayo sa Kanyang pagmamahal at sa tinapos Niyang gawa sa krus.
Isipin ang isang batang walang pag-aalinlangan na yumayakap sa kanyang magulang pagkatapos ng mahirap na araw. Ganyan ang tiwala na nais ng Diyos na taglayin natin kapag lumalapit tayo sa Kanya. Nais Niya tayong dalhin sa Kanya ang ating mga alalahanin, kabiguan, at pangangailangan.
Habag para sa Sandali, Biyaya para sa Paglalakbay
Binibigyang-diin ng talata ang dalawang kaloob na natatanggap natin: habag at biyaya. Ang habag ay sumasalubong sa atin sa ating kahinaan, pinapatawad ang ating mga pagkukulang. Ang biyaya naman ang nagpapalakas sa atin upang magpatuloy. Sa oras ng pangangailangan, iniaalok ng Diyos ang pareho—akmang-akma sa ating sitwasyon.
Kung ikaw man ay nakikipaglaban sa takot, nahaharap sa kawalang-katiyakan, o nakakaramdam ng pagod, ang luklukan ng biyaya ng Diyos ay laging bukas. Ang Kanyang habag ay nag-aalis ng anumang dungis; ang Kanyang biyaya ay nagbibigay lakas para sa susunod na hakbang.
Paano Lumapit nang May Tiwala?
-
Sa Pamamagitan ng Panalangin: Makipag-usap sa Diyos nang tapat. Hindi kinakailangan ang magarbong pananalita—ang mahalaga ay ang tapat na puso. Sabihin sa Kanya ang iyong mga takot, pag-asa, at pangangailangan.
-
Sa Pagtitiwala sa Kanyang mga Pangako: Maniwala na pinakikinggan ka Niya at sapat ang Kanyang biyaya. Ang Hebreo 4:16 ay hindi lamang maganda sa pandinig; ito ay pangako.
-
Nang May Inaasahan: Lumapit sa Diyos na naniniwala na matatanggap mo ang iyong kailangan. Maaring magulat ka sa Kanyang paraan at panahon, ngunit ang Kanyang probisyon ay tiyak.
Pangwakas na Pagpapalaala
Inaanyayahan tayo ng Hebreo 4:16 sa isang ugnayan na batay sa tiwala, hindi sa distansya; sa biyaya, hindi sa pagkakasala. Anuman ang iyong pinagdaraanan ngayon, tandaan: ang luklukan ng Diyos ay laging maaabot. Naroon ang habag upang magpatawad, at naroon ang biyaya upang magpalakas.
Kaya, lumapit nang may lakas ng loob. Bukas ang Kanyang mga bisig, nakikinig ang Kanyang puso, at higit sa sapat ang Kanyang biyaya para sa iyo.
Sumaiyo Ang Pagpapalang Higit sa Lahat!
Approaching the Throne of Grace with Confidence: Reflections on Hebrews 4:16
By Chris N. Braza
"Let us then approach God’s throne of grace with confidence, so that we may receive mercy and find grace to help us in our time of need." — Hebrews 4:16 (NIV)
The Invitation to Come Boldly
Hebrews 4:16 is a powerful reminder that we have access to God—not with fear, but with confidence. The throne of grace is not a place of judgment for the believer; it is where mercy and grace flow freely. This verse invites us into a relationship with God where we are welcomed, embraced, and heard.
In ancient times, approaching a throne was intimidating. Only those deemed worthy could stand before a king. Yet here, Scripture tells us that we can approach God’s throne with boldness. Why? Because Jesus, our High Priest, has made a way for us. His sacrifice tore the veil, giving us direct access to the Father.
Confidence, Not Condemnation
Often, we feel unworthy to come before God. Shame, guilt, or fear can cloud our hearts. But Hebrews 4:16 reminds us that God’s throne is a place of grace, not condemnation. Confidence comes not from our perfection but from Christ’s. We approach because we trust in His love and His finished work on the cross.
Imagine a child running into a parent’s arms after a tough day—without hesitation, without fear of rejection. That’s the confidence God wants us to have when we come to Him. He longs for us to bring our worries, failures, and needs.
Mercy for the Moment, Grace for the Journey
The verse highlights two gifts we receive: mercy and grace. Mercy meets us in our brokenness, forgiving our shortcomings. Grace empowers us to move forward, giving us strength when we feel weak. In times of need, God offers both—tailored perfectly for our situation.
Whether you’re battling fear, navigating uncertainty, or simply feeling weary, God’s throne of grace is always open. His mercy wipes the slate clean; His grace fuels the next step.
How Do We Approach with Confidence?
-
Through Prayer: Speak to God honestly. Prayer isn’t about fancy words—it’s about a sincere heart. Tell Him your fears, hopes, and needs.
-
By Trusting His Promises: Believe that He hears you and that His grace is enough. Hebrews 4:16 isn’t just poetic; it’s a promise.
-
With Expectation: Approach God believing that you will receive what you need. His timing and ways may surprise you, but His provision is sure.
A Closing Thought
Hebrews 4:16 invites us to a relationship defined by confidence, not distance; by grace, not guilt. Whatever your situation today, remember: God’s throne is accessible. Mercy awaits to forgive, and grace stands ready to strengthen.
So, come boldly. His arms are open, His heart is listening, and His grace is more than enough for you.
Be Blessed Beyond Measure!
Comments
Post a Comment