The Power to Prosper: Trusting God in Your Success

By Cristi Latori

“Unless the Lord builds the house, the builders labor in vain. Unless the Lord watches over the city, the guards stand watch in vain.” – Psalm 127:1

Success is something we all strive for. We work hard, make sacrifices, and push ourselves to achieve our dreams. But have you ever felt like, despite all your efforts, things just don’t seem to fall into place? Psalm 127:1 reminds us of a crucial truth—without God, our labor is in vain. True prosperity comes when we align our efforts with His purpose.

A Short Story: The Two Builders

In a quiet village, two men, Daniel and Marcus, set out to build their dream houses. Daniel was a skilled architect who meticulously planned every detail. He relied on his expertise, never seeking God’s guidance. Meanwhile, Marcus, though less experienced, prayed daily, asking God for wisdom and direction in his work.

As time passed, Daniel’s house rose quickly, impressing the townspeople. Marcus’s progress was slower, but he remained at peace, trusting in God’s timing. One stormy night, a fierce wind struck the village. Daniel’s grand house, though beautiful, had weak foundations. It collapsed under the pressure. Marcus’s home, however, stood firm, built on a solid foundation of faith and divine guidance.

When morning came, Daniel realized his mistake. He had relied on his own strength, forgetting to seek God’s help. Humbled, he approached Marcus and said, “Now I understand. Without God, my labor was in vain.”

Building with God

This story reflects the truth in Psalm 127:1. No matter how talented or hardworking we are, lasting success only comes when we let God be the foundation of our plans.

  • Surrender Your Plans to God: Before taking on any task, invite God to lead and bless your work.
  • Work with Excellence, but Trust in God: Do your best, but don’t rely solely on your efforts. Let God’s wisdom direct your steps.
  • Stay Rooted in Faith: When challenges come, those who trust in God will stand firm, just like Marcus’s house.

Conclusion

True prosperity is not just about wealth or achievements—it’s about walking in alignment with God’s will. When we build with Him, we build something that lasts. Today, ask yourself: Am I working alone, or am I allowing God to be the architect of my success?

May your journey be blessed as you trust the Lord, the true builder of all things. 

Be Blessed Beyond Measure!
Ang Kapangyarihang Umunlad: Pagkakatiwala sa Diyos para sa Tagumpay
Ni Cristi Latori
POWER TO PROSPER

"Malibang ang Panginoon ang magtayo ng bahay, walang kabuluhan ang paggawa ng mga nagtatayo nito. Malibang ang Panginoon ang magbantay sa lungsod, walang kabuluhan ang pagpupuyat ng bantay." – Awit 127:1

Lahat tayo ay nagsisikap para magtagumpay. Nagtatrabaho tayo nang husto, nagsasakripisyo, at ginagawa ang lahat upang maabot ang ating mga pangarap. Ngunit may mga pagkakataong sa kabila ng ating pagsisikap, tila hindi pa rin umaayon ang lahat sa ating nais. Ipinapaalala sa atin ng Awit 127:1 ang isang mahalagang katotohanan—kung wala ang Diyos, walang saysay ang ating mga gawain. Ang tunay na pag-unlad ay nagmumula sa pagsunod sa Kanyang kalooban.

Isang Maikling Kwento: Ang Dalawang Manggagawa

Sa isang tahimik na baryo, may dalawang lalaki—si Daniel at si Marcus—na parehong nagpasiyang magtayo ng kanilang mga pangarap na tahanan. Si Daniel ay isang bihasang arkitekto na planadong-planado ang bawat detalye ng kanyang bahay. Umasa siya sa kanyang sariling kakayahan at hindi humingi ng gabay mula sa Diyos.

Samantala, si Marcus, bagaman hindi kasing husay ni Daniel, ay laging nananalangin at humihingi ng karunungan sa Diyos bago gumawa ng anumang desisyon.

Lumipas ang mga araw, mabilis na natapos ang bahay ni Daniel, at maraming tao ang humanga rito. Samantala, mabagal ang naging progreso ng bahay ni Marcus, ngunit siya ay nanatiling payapa dahil nagtitiwala siya sa tamang panahon ng Diyos.

Isang gabi, dumaan ang isang malakas na bagyo sa baryo. Ang bahay ni Daniel, bagaman maganda, ay may mahinang pundasyon. Tuluyang gumuho ito sa lakas ng hangin. Samantala, ang bahay ni Marcus ay nanatiling matatag, itinayo sa matibay na pundasyon ng pananampalataya at patnubay ng Diyos.

Nang sumapit ang umaga, napagtanto ni Daniel ang kanyang pagkakamali. Lumapit siya kay Marcus at nagsabing, "Ngayon ko naunawaan. Wala ang Diyos sa aking mga plano, kaya't nauwi lang sa wala ang aking mga pagsisikap."

Pagtatayo Kasama ang Diyos

Ipinapakita ng kwentong ito ang katotohanan sa Awit 127:1. Kahit gaano tayo kagaling o kasipag, ang tunay na tagumpay ay dumarating lamang kapag isinama natin ang Diyos sa ating mga plano.

  • Ipagkatiwala ang Iyong Mga Plano sa Diyos: Bago magsimula ng anumang gawain, ipanalangin ito at hilingin ang Kanyang patnubay.
  • Magsikap nang may Pananampalataya: Gawin ang lahat ng makakaya mo, ngunit huwag umasa lamang sa sarili mong kakayahan—hayaan mong ang Diyos ang gumabay sa iyong landas.
  • Manatiling Matibay sa Pananampalataya: Sa panahon ng pagsubok, ang mga nagtitiwala sa Diyos ay hindi matinag, tulad ng bahay ni Marcus.

Konklusyon

Ang tunay na pag-unlad ay hindi lamang nasusukat sa yaman o tagumpay sa mundo. Ito ay tungkol sa pamumuhay nang ayon sa kalooban ng Diyos. Kapag Siya ang ating pundasyon, tayo ay magtatayo ng isang buhay na matatag at may kabuluhan.

Ngayong araw, itanong mo sa iyong sarili: "Ako ba ay kumikilos nang mag-isa, o hinahayaan ko bang ang Diyos ang maging arkitekto ng aking tagumpay?"

Nawa’y pagpalain ka ng Diyos habang inilalagak mo ang iyong tiwala sa Kanya, ang tunay na tagapagtayo ng lahat ng bagay. 


Sumaiyo Ang Pagpapalang Higit sa Lahat!

Comments

Post a Comment

Popular Posts