The Prodigal Son: A Story of God’s Deep, Unfailing Love
By Cristi Latori
Have you ever felt like you've wandered too far from God? Like you've made too many mistakes to come back? If so, you’re not alone. But there’s good news—God’s love knows no limits. The parable of the Prodigal Son (Luke 15:11-32) is one of the most powerful illustrations of God’s mercy and grace, showing us that no matter how far we’ve strayed, the Father’s arms are always open.
The Son Who Wandered
Jesus tells the story of a young man who demanded his inheritance early, essentially telling his father, "I’d rather have your money than a relationship with you." With his pockets full, he left home and indulged in reckless living. But soon, his wealth ran out, and he found himself broke, starving, and working among pigs—about as low as one could go.
Realizing the gravity of his mistakes, the son made a decision: he would return home and beg to be a servant in his father’s house. He didn’t believe he deserved to be called a son anymore.
A Father’s Unexpected Response
What happened next is breathtaking. While the son was still a long way off, his father saw him. That means the father had been watching, hoping, and waiting. Filled with compassion, he ran to his son, embraced him, and kissed him. Before the young man could even finish his apology, the father called for a celebration, clothing him in the finest robe and restoring him fully as his son.
The Message of Grace
This story reveals God’s heart for sinners. Like the father in the parable, God isn’t waiting with crossed arms and a list of our failures. Instead, He is watching for our return, ready to run toward us with love and forgiveness. The robe represents our restored righteousness, the ring signifies our place in His family, and the feast is the joy of our reconciliation with Him.
No sin is too great, no distance too far. God’s love is deeper than our failures, greater than our regrets, and stronger than our shame. When we turn to Him, He welcomes us home—not as servants, but as His beloved children.
Will You Come Home?
If you’ve been running, know this: God is not angry with you. He longs for you to return. No matter how broken or unworthy you feel, His love is waiting. Will you come home to the Father’s embrace today?
Let’s celebrate the God who never gives up on us—the One whose love always welcomes, restores, and rejoices.
Be Blessed Beyond Measure!
Naramdaman mo na ba na masyado kang nalayo sa Diyos? Na parang nagkamali ka nang sobra para bumalik pa? Kung ganoon, hindi ka nag-iisa. Ngunit may magandang balita—walang hanggan ang pag-ibig ng Diyos. Ang talinghaga ng Alibughang Anak (Lucas 15:11-32) ay isa sa pinakamakapangyarihang halimbawa ng awa at biyaya ng Diyos, na nagpapakita na kahit gaano pa tayo nalayo, laging bukas ang Kanyang mga bisig upang tayo’y tanggapin.
Ang Anak na Naligaw
Isinalaysay ni Jesus ang kwento ng isang binata na humingi ng mana mula sa kanyang ama nang maaga, na para bang sinasabi niyang, "Mas gusto ko ang pera mo kaysa sa relasyon natin." Bitbit ang kanyang kayamanan, nilisan niya ang tahanan at nagpakasasa sa makamundong pamumuhay. Ngunit hindi nagtagal, naubos ang kanyang yaman, nagutom siya, at napilitang magtrabaho bilang tagapagpakain ng baboy—isang napakababang kalagayan.
Nang maisip niya ang kanyang mga pagkakamali, nagpasya siyang bumalik sa kanilang tahanan at hilingin na lamang sa kanyang ama na tanggapin siya bilang isang alipin. Hindi na siya karapat-dapat tawaging anak, ayon sa kanya.
Ang Hindi Inasahang Pagtanggap ng Ama
Ngunit ang sumunod na pangyayari ay hindi niya inaasahan. Habang malayo pa siya, natanaw na siya ng kanyang ama. Ibig sabihin, matagal nang naghihintay at umaasa ang ama sa kanyang pagbabalik. Sa sobrang awa at tuwa, patakbo siyang sinalubong, niyakap, at hinalikan ang kanyang anak. Bago pa matapos ng anak ang kanyang paghingi ng tawad, ipinag-utos na ng ama ang isang pagdiriwang—binihisan siya ng pinakamagandang kasuotan at ibinalik bilang isang ganap na anak.
Ang Mensahe ng Biyaya
Ang kwentong ito ay nagpapakita ng puso ng Diyos para sa mga makasalanan. Tulad ng ama sa talinghaga, hindi naghihintay ang Diyos na may galit o listahan ng ating mga kasalanan. Sa halip, inaabangan Niya ang ating pagbabalik, handang tumakbo patungo sa atin na may pagmamahal at pagpapatawad. Ang kasuotan ay sumisimbolo ng ating panunumbalik sa katuwiran, ang singsing ay patunay na kabilang pa rin tayo sa Kanyang pamilya, at ang piging ay isang pagsasaya sa ating pagbabalik-loob sa Kanya.
Walang kasalanang masyadong malaki, walang layo na hindi kayang abutin. Ang pag-ibig ng Diyos ay mas malalim kaysa sa ating mga pagkukulang, mas dakila kaysa ating panghihinayang, at mas matibay kaysa ating kahihiyan. Kapag tayo'y bumalik sa Kanya, tatanggapin Niya tayo hindi bilang alipin, kundi bilang Kanyang minamahal na anak.
Babangon Ka Ba at Uuwi?
Kung ikaw ay naliligaw, alamin mong hindi galit sa iyo ang Diyos. Nananabik Siyang ikaw ay bumalik. Kahit gaano ka man kabasag o pakiramdam mong hindi karapat-dapat, ang Kanyang pag-ibig ay naghihintay. Handa ka na bang bumalik sa yakap ng Ama ngayon?
Ipagdiwang natin ang Diyos na kailanman ay hindi sumusuko sa atin—ang Diyos na laging nagmamahal, tumatanggap, at nagsasaya sa ating pagbabalik.
Sumaiyo Ang Pagpapalang Higit sa Lahat!

Comments
Post a Comment