Title: Kingdom Wealth: A Call to Stewardship
By Chris N. Braza
As believers, we often hear that "money is the root of all evil." But the Bible actually says, “The love of money is a root of all kinds of evil” (1 Timothy 6:10). Money, in itself, is not evil. It is a tool—neutral in nature—but powerful in impact. The question is not whether we should have wealth, but whether we are faithfully stewarding the wealth God has entrusted to us.
We Are Managers, Not Owners
Purposeful Wealth
Wealth in the hands of the righteous is a weapon for kingdom impact:
-
To feed the hungry.
-
To clothe the naked.
-
To fund missions.
-
To lift up the body of Christ.
When our money has mission, our wealth becomes worship.
The Heart of the Matter
Kingdom stewardship invites us to align our finances with God’s heart. It teaches us to tithe faithfully, give cheerfully, and plan wisely.
Practical Ways to Steward Well
-
Tithe and Give Generously. Obedience in tithing is not legalism—it’s lordship.
-
Live Below Your Means. Just because you can buy it doesn’t mean you should.
-
Invest with Purpose. Put your resources where they can grow and multiply for impact.
-
Support Ministries and Missions. Every seed sown into the Kingdom multiplies in ways we cannot always see.
-
Teach the Next Generation. Pass on the principles of stewardship to your children and disciples.
In Closing
Stewardship is a lifestyle. It’s more than just giving; it’s living with the awareness that every peso, every dollar, every resource is a kingdom tool.
My prayer is that we, as Kingdom citizens, become known not only for our faith but for our faithful handling of wealth—because when we handle God's resources with God's heart, lives change and Heaven rejoices.
Let’s manage well, give freely, and live generously—for His glory.
Bilang mga mananampalataya, madalas nating marinig ang kasabihang, “Ang pera ang ugat ng lahat ng kasamaan.” Ngunit kung babasahin natin nang tama, sinasabi ng Bibliya sa 1 Timoteo 6:10: “Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan.”
Ang pera mismo ay hindi masama. Isa itong kasangkapan—walang kinikilingan—ngunit makapangyarihan. Ang tanong ay hindi kung dapat ba tayong magkaroon ng yaman, kundi kung tayo ba ay tapat na tagapangasiwa ng yamang ipinagkatiwala sa atin ng Diyos.
Taga-pamahala, Hindi May-ari
Sinasabi sa Awit 24:1, “Ang buong daigdig at ang lahat ng narito ay pag-aari ng Panginoon.”
Ito ang pundasyon: Diyos ang tunay na may-ari ng lahat.
Ang nasa ating mga kamay ngayon—kaunti man o marami—ay hindi atin. Tayo’y tagapangalaga lamang. Tinawag tayong pangasiwaan ito nang may karunungan, katapatan, at layunin.
Yaman na May Layunin
Hindi tayo binibiyayaan ng Diyos para lang sa ating sariling kaginhawaan. Tayo’y Kanyang pinagpapala upang maging pagpapala rin sa iba.
Ayon sa Kawikaan 11:25, “Ang taong mapagbigay ay lalong yayaman; ang taong nagbabahagi ng kanyang tinatangkilik ay lalong giginhawa ang buhay.”
Ang yaman sa kamay ng matuwid ay sandata para sa gawain ng Kaharian:
-
Para pakainin ang nagugutom.
-
Para bihisan ang mga nangangailangan.
-
Para suportahan ang mga misyonero.
-
Para palakasin ang katawan ni Cristo.
Kapag ang ating pera ay may misyon, ang ating yaman ay nagiging pagsamba.
Pagsubok sa Puso
Sabi ni Jesus sa Mateo 6:21, “Sapagkat kung saan naroon ang iyong kayamanan, naroon din ang iyong puso.”
Hindi lang ito tungkol sa pera—ito’y ukol sa puso. Saan ba tayo naglalagak ng ating yaman? Sa langit ba o sa mundo? Hinahabol ba natin ang kayamanan, o ang katuwiran?
Ang tamang pamamahala ng yaman ay paanyaya na ipantay ang ating pananalapi sa puso ng Diyos. Matutong magbigay nang may kagalakan, mag-ipon nang may layunin, at mamuhay nang may disiplina.
Praktikal na Paraan ng Mabuting Pamamahala
-
Mag-ikapu at Magbigay ng Bukal sa Loob. Ang pagsunod sa ikapu ay hindi pagiging legalista—ito ay pagkilala sa pagiging Panginoon Niya sa ating buhay.
-
Mamuhay Ayon sa Kakayahan. Hindi porke kaya mong bilhin, eh kailangan mo na.
-
Mag-invest nang May Layunin. Ilagak ang yaman kung saan ito maaaring magbunga para sa mas malaking epekto.
-
Tumulong sa Mga Gawain at Misyon. Bawat butil na inihahasik sa Kaharian ay lumalago sa paraang di natin laging nakikita.
-
Ituro sa Susunod na Henerasyon. Ibahagi ang prinsipyo ng pagiging mabuting katiwala sa mga anak at kabataan.
Pangwakas
Ang pagiging mabuting katiwala ay isang pamumuhay. Higit pa ito sa pagbibigay—ito ay pamumuhay nang may kamalayan na ang bawat piso, bawat ari-arian, bawat yaman ay kasangkapan ng Kaharian.
Dalangin ko na tayo, bilang mga mamamayan ng Langit, ay makilala hindi lamang sa ating pananampalataya kundi sa ating tapat na pamamahala ng yaman—sapagkat kapag pinangasiwaan natin ang kayamanan ng Diyos ayon sa Kanyang kalooban, may buhay na nababago at may langit na nagdiriwang.
SUMAATIN ANG PAGPAPALANG HIGIT SA LAHAT!

Comments
Post a Comment