"Wait for the Unseen" — A Reflection on Isaiah 64:4



“Since ancient times no one has heard, no ear has perceived, no eye has seen any God besides You, who acts on behalf of those who wait for Him.”
Isaiah 64:4 (NIV)


In a world that rushes for quick results and instant gratification, waiting can feel like weakness. But Isaiah 64:4 reminds us of a powerful truth: God is not idle while we wait—He is working.

From the very beginning of time, no one has ever heard of, seen, or imagined a God like ours. A God who acts on behalf of those who wait for Him. That’s not passive waiting, but an active trust. It’s the kind of waiting that says, “I believe God is doing something even if I don’t see it yet.”

 God Moves in Silence

Think about it—some of God’s greatest works happen in the silence:

  • While Noah waited, God was preparing a world-changing flood of renewal.

  • While Joseph sat in prison, God was arranging his promotion to the palace.

  • While Jesus lay in the tomb, the power of resurrection was already breaking through.

We may not hear it. We may not see it. But when we trust God, He is always on the move.

 Faith in the Waiting

Isaiah 64:4 calls us to a kind of faith that doesn’t rely on senses but on relationship. God isn’t just a distant ruler—He’s a Father who acts for His children. He doesn’t forget us. He doesn’t overlook our prayers. He rewards our faith in the quiet moments of obedience, patience, and surrender.

So if you’re in a season of waiting right now—waiting for healing, breakthrough, clarity, or answered prayers—don’t lose heart. You are not forgotten. You are not alone. You are in the presence of a God who works in the waiting.


 Prayer

Lord, thank You for being the God who acts on behalf of those who wait on You. Help me to trust Your timing, rest in Your promises, and know that even in the silence, You are working. Teach me to wait well, with faith and expectation. In Jesus' name, Amen.


 Final Thought

Waiting may feel like doing nothing, but with God, waiting is one of the most powerful things you can do. Trust that He is writing a story far greater than you can imagine—and He will show up, right on time.

BE BLESSED BEYOND MEASURE!

CHRIS N. BRAZA



 "Ang Diyos na Kumikilos Habang Tayo'y Naghihintay" — Pagmumuni sa Isaias 64:4

“Sapagkat buhat nang una ay hindi pa narinig, ni nakita ng mga mata, ni nabalitaan ng kaninuman ang Diyos na gaya Mo, na kumikilos para sa mga taong sa Kanya’y naghihintay.”
Isaias 64:4


Sa mundong laging nagmamadali—lahat instant, lahat mabilis—ang paghihintay ay tila kahinaan. Pero sa talatang ito, ipinapaalala sa atin na ang Diyos ay kumikilos para sa mga taong marunong maghintay sa Kanya. Hindi ito basta-bastang paghihintay, kundi isang pagtitiwala.

 Kumikilos ang Diyos Kahit Tahimik

Isipin mo ito—maraming beses sa Biblia, ang Diyos ay gumawa ng kababalaghan sa gitna ng katahimikan:

  • Habang naghihintay si Noe, ang Diyos ay naghahanda ng bagong simula.

  • Habang nakakulong si Jose, ang Diyos ay naglalatag ng daan patungong palasyo.

  • Habang nasa libingan si Jesus, ang kapangyarihan ng pagkabuhay na muli ay gumagawa na ng paraan.

Hindi man natin makita o marinig, pero kapag tayo'y nagtitiwala, ang Diyos ay laging kumikilos.

 Pananampalataya sa Paghihintay

Ang Isaias 64:4 ay paanyaya sa atin na manalig hindi sa ating naririnig o nakikita, kundi sa ating ugnayan sa Diyos. Siya ay hindi Diyos na malayo at walang pakialam. Siya ay Ama na kumikilos para sa Kanyang mga anak.

Kaya kung ikaw ay nasa panahon ng paghihintay—para sa kagalingan, kasagutan, direksyon, o himala—huwag kang panghinaan ng loob. Hindi ka nakakalimutan ng Diyos. Nasa proseso ka ng Kanyang makapangyarihang pagkilos.


 Panalangin

Panginoon, salamat po sa Iyong pangako na Ikaw ay kumikilos para sa mga nagtitiwala at naghihintay sa Iyo. Turuan Mo akong maghintay na may pananampalataya, may tiwala, at may pag-asa. Kahit hindi ko man makita ang Iyong kilos ngayon, alam kong Ikaw ay gumagawa. Sa pangalan ni Jesus, Amen.


 Panghuling Paalala

Ang paghihintay sa Diyos ay hindi kawalan ng pagkilos—ito ay matibay na pananampalataya. At tandaan mo ito: Ang Diyos ay laging dumarating sa tamang oras.

SUMAATIN ANG PAGPAPALANG HIGIT SA LAHAT!

CHRIS N. BRAZA

Comments

Popular Posts