"Kasipagan at Pananalangin"
Sa mundong puno ng pangangailangan,
Hindi sapat ang dasal kung walang kasipagan.
Sabi nga sa Kawikaan 10:4,
“Ang tamad ay nagdudulot ng kahirapan,
ngunit ang masikap ay yumayaman.”
Oo, mahalaga ang pananalangin,
Sapagkat ang Diyos ang ating Tagapagkaloob.
Sa Mateo 6:11, tayo’y tinuruan:
"Ibigay Mo po sa amin ngayon ang aming kakanin."
Ngunit tandaan, ang manna ay bumagsak,
Subalit kailangang pumulot ng tapat.
Hindi tayo tinuruan ng Biblia na maghintay lang,
Kundi magsaka, magtanim, magtrabaho ng buong dangal.
Sa 2 Tesalonica 3:10, malinaw ang sabi:
"Ang ayaw magtrabaho ay huwag ding kumain."
Kaya kapatid, magsikap ka at manalangin,
Sa pawis ng noo, ang biyaya'y darating.
Ang Diyos ay tapat, Kanyang pinangako,
Hindi Niya pababayaan ang taong masipag at totoo.
Pananalangin ang gabay, kasipagan ang daan—
Doon sa mesa ng grasya, may sapat na pagkain kailanman.


Comments
Post a Comment