Sa panahong puno ng pansariling hangarin at pagkakanya-kanya, ang talatang ito mula sa Kawikaan ay paalala ng Diyos: Ang katuwiran ay hindi lang para sa sarili, kundi para sa kapakanan ng buong komunidad. Ito ay larawan ng isang lipunang pinagpapala dahil may mga taong matuwid na namumuhay para sa kabutihan ng nakararami.
1. Kagalakan sa Pamumuno ng Matuwid
Ang isang guro na may malasakit, negosyanteng tapat, o lider na inuuna ang mamamayan kaysa kapangyarihan—sila ang dahilan ng kagalakan ng bayan.
2. Ang Pagbagsak ng Masama ay Katuwiran
Ang hustisya ng Diyos ay nagbibigay aliw sa mga inaapi at paalala sa mga mapagmataas.
3. Ang mga Salita ay Kayang Magtayo o Gumiba
Kung gusto nating itayo muli ang ating mga komunidad, simulan natin sa mga salitang ating binibitawan at pinakikinggan.
4. May Kaligtasan sa Marurunong na Tagapayo
Ang komunidad na marunong makinig sa tamang tagapayo ay nagiging matatag at pinagpapala.
Huling Pananaw
Ang Kawikaan 11:10–14 ay hindi lamang kasabihan—itoy plano ng Diyos para sa isang lipunang pinagpala. Kapag namamayani ang matuwid, ang bayan ay umaangat. Kapag ang mga tinig ng katuwiran ang nangingibabaw, ang kapayapaan ay sumasagana. Kapag ang kasamaan ay nalalantad at natatanggal, ang katarungan ng Diyos ay lumilitaw.
Huwag lamang tayong manalangin para sa pagbabago—mabuhay tayo bilang kasangkapan nito.
Mga Tanong para sa Pagninilay:
-
Ako ba ay dahilan ng kagalakan o pasanin ng aking komunidad?
-
Kaninong tinig ang aking pinakikinggan—at anong tinig ang binibitawan ko?
-
Ako ba ay bahagi ng suliranin, o bahagi ng kagalingan?
Nawa'y maging uri tayo ng tao na ang tagumpay ay ipinagdiriwang ng bayan, at ang buhay ay isang pagpapala sa marami.
Sumaiyo Ang Pagpapalang Higit sa Lahat!
In a world full of selfish ambition and political tension, this passage from Proverbs offers a radical reminder of what true leadership and community influence look like. It paints a picture of a society where righteousness isn’t just a personal matter—it’s a blessing to everyone around.
1. The Joy of Righteous Influence
A teacher who cares for every child as their own, a businessperson who deals honestly, a public servant who puts the people above power—these are the kinds of righteous individuals who make a city rejoice. Their blessing becomes everyone’s blessing.
2. The Fall of the Wicked is No Tragedy
God’s justice brings both comfort and correction. It reminds us that while His mercy is wide, His righteousness is not to be mocked.
3. Words That Build Up or Break Down
If we want to rebuild our towns, our churches, our schools—start with the voices we amplify. Are they lifting people up or tearing them down?
4. Wise Counsel is a Lifeline
A community that listens to wise counsel becomes strong, resilient, and aligned with God’s purposes.
Final Thoughts
Proverbs 11:10–14 is more than a proverb—it’s a blueprint for a thriving society. When the righteous rise, the city rejoices. When godly voices guide decisions, peace reigns. When truth is spoken and wickedness is dethroned, freedom is restored.
Let’s not just pray for revival in our cities—let’s live in a way that brings it.
Questions for Reflection:
-
Are my actions bringing joy or burden to my community?
-
Whose voice am I listening to—and what kind of voice am I being?
-
Am I part of the problem, or part of the healing?
May we be the kind of people whose success causes cities to celebrate—and whose voices build a better world.
Be Blessed Beyond Measure!


Comments
Post a Comment