A CALL FOR NATIONAL CLEANSING
Beloved, our nation is once again shaken by reports of massive corruption in flood control projects. Billions meant to protect lives and communities are allegedly stolen or mishandled. While people suffer in floods, some officials enrich themselves. This is not just a political issue—it is a moral and spiritual crisis.
But hear this: corruption is not stronger than God’s righteousness. The Bible declares in Proverbs 29:2 – “When the righteous are in authority, the people rejoice: but when the wicked beareth rule, the people mourn.” The mourning may be real today, but God promises that His justice will prevail. No hidden deed can remain covered forever, for Luke 12:2 says, “There is nothing concealed that will not be disclosed, or hidden that will not be made known.”
As God’s people, what must we do?
-
Pray for cleansing in our government, that wickedness may be exposed.
-
Stand as salt and light—refusing to participate in corruption in our own small ways.
-
Raise voices for righteousness, calling leaders to accountability.
-
Prepare for calamities by faith, trusting God as our ultimate protection, not just flood barriers.
Take courage, brethren! Remember Amos 5:24 – “Let justice roll on like a river, righteousness like a never-failing stream!” Just as floodwaters cannot be contained, so shall God’s justice overflow. The wicked may seem powerful for a time, but Psalm 37:1-2 reminds us: “Do not fret because of evildoers, for they will soon fade like the grass.”
In the midst of corruption, let us not lose heart. Yes, the floodwaters may rise, but so will God’s justice. Let us live in integrity, pray for national cleansing, and believe that the Lord is raising up leaders who will fear Him. For in Christ, there is hope—not just for flood protection, but for the cleansing of our nation.
Be Blessed Beyond Measure!
Chris N. Braza
PANAWAGAN NG PAGLILINIS SA ATING PAMAHALAAN
Mga kapatid, muli na namang yumanig ang ating bayan dahil sa mga ulat ng matinding korapsyon sa mga proyekto ng flood control. Bilyon-bilyong pondo na dapat sana’y proteksyon sa buhay at komunidad ang tila nauuwi sa bulsa ng iilan. Habang ang taumbayan ay nalulubog sa baha, may mga opisyal na nalulunod sa yaman ng pandaraya. Hindi lamang ito usaping politikal, kundi isa itong krisis moral at espirituwal.
Ngunit pakinggan ninyo: hindi kailanman mas malakas ang kasamaan kaysa sa katuwiran ng Diyos. Sabi sa Kawikaan 29:2 – “Kapag matuwid ang namumuno, natutuwa ang bayan; ngunit kapag masama ang namumuno, nagdaramdam ang bayan.” Totoo, tayo’y nagdaramdam ngayon, ngunit tiyak na mananaig ang hustisya ng Diyos. Sabi sa Lukas 12:2 – “Walang natatago na hindi mabubunyag, at walang lihim na hindi malalaman.”
Ano ang dapat nating gawin bilang bayan ng Diyos?
-
Manalangin para sa paglilinis ng pamahalaan at mabunyag ang kasamaan.
-
Manindigan bilang asin at ilaw—huwag makibahagi sa kahit anong uri ng pandaraya.
-
Magsalita para sa katuwiran at manawagan ng pananagutan mula sa mga pinuno.
-
Magtiwala sa Diyos bilang ating tunay na proteksyon, higit pa sa anumang flood control project.
Huwag tayong manghina! Ayon sa Amos 5:24 – “Ngunit ang katarungan ay umagos na parang ilog, at ang katuwiran ay dumaloy na parang batis na walang tigil.” Tulad ng baha na hindi mapipigilan, gayon din ang hustisya ng Diyos. Maaaring pansamantalang nagtatagumpay ang masama, ngunit sabi ng Awit 37:1-2 – “Huwag kang mainis sa mga gumagawa ng masama… sapagkat sila’y madaling mawawala na parang damo.”
Sa gitna ng korapsyon, huwag tayong mawalan ng pag-asa. Oo, maaaring tumaas ang baha, ngunit ganyan din ang pag-angat ng hustisya ng Diyos. Mamuhay tayong may integridad, manalangin para sa kalinisan ng bansa, at maniwalang may itinatayong mga lider na may takot sa Kanya. Sapagkat kay Cristo, may pag-asa—hindi lamang sa pagprotekta laban sa baha, kundi pati sa paglilinis ng ating bayan.
Sumaatin Ang Pagpapalang Higit sa Lahat!
Chris N. Braza
- Get link
- X
- Other Apps

Comments
Post a Comment