Bakit Kailangan Pa Nating Humingi Kay Lord Kung Alam Naman Niya ang Ating Pangangailangan?
Madalas itanong ng marami: “Kung alam na ni Lord ang lahat—pati ang laman ng puso ko—bakit kailangan ko pang humingi?” Totoo, sabi sa Mateo 6:8: “Alam ng inyong Ama ang inyong kailangan bago pa ninyo hilingin.” Pero ang panalangin ay higit pa sa paghingi—ito’y relasyon.
Paulit-ulit tayong inaanyayahan ng Diyos na humingi: “Humingi kayo at kayo’y bibigyan; humanap kayo at kayo’y makakasumpong; kumatok kayo at ang pintuan ay bubuksan para sa inyo” (Mateo 7:7). Ang kaalaman ng Diyos sa ating pangangailangan ay hindi dahilan para huwag tayong humiling, kundi dahilan para lalo itong maging makabuluhan.
Isipin mo ang isang mapagmahal na magulang. Alam na ng tatay na gutom ang anak, pero naghihintay pa rin siyang marinig: “Papa, pwede po bang makahingi ng pagkain?” Bakit? Dahil sa pamamagitan ng paghingi, natututong magpakumbaba at umasa ang bata, at lalong tumitibay ang ugnayan. Ganyan din sa Diyos—kapag tayo’y humihingi, kinikilala natin Siya bilang tanging pinagmumulan ng lahat ng pagpapala.
Kapag humihingi ka, hindi mo pinipilit ang kamay ng Diyos—binubuksan mo ang iyong puso. Ang paghingi ay hindi lang tungkol sa biyaya kundi sa relasyon sa Maybigay. Nalulugod ang Diyos kapag lumalapit ang Kanyang mga anak. Hindi lang Niya nais tugunan ang iyong pangangailangan, nais Niya ring patatagin ang iyong pananampalataya at palalimin ang iyong relasyon sa Kanya.
Ngayong araw, huwag kang mahihiya. Maging maliit o malaki ang iyong pangangailangan, lumapit ka kay Lord nang may pananampalataya at pagpapakumbaba. Tandaan: Alam na Niya, pero nais pa rin Niyang marinig ito mula sa iyo—dahil ang panalangin ay hindi lang transaksyon, ito ay relasyon.
Sumaiyo Ang Pagpapalang Higit sa Lahat!
Chris N. Braza
Why Ask God When He Already Knows What We Need?
BRAZAAR CHAIN
Many people wonder: “If God already knows everything—even the desires of my heart—why should I still pray and ask?” After all, Matthew 6:8 reminds us that “Your Father knows what you need before you ask Him.” Does that mean asking is unnecessary? Not at all. Asking is more than just requesting—it is building a relationship.
The Bible is full of invitations to ask: “Ask, and it will be given to you; seek, and you will find; knock, and it will be opened to you” (Matthew 7:7). God’s knowledge of our needs does not cancel out our asking—it deepens its meaning. Prayer is not about informing God, but involving Him.
Think of a loving parent. A father may already know his child is hungry, but still waits for the child to come and say, “Papa, can I have some food?” Why? Because asking nurtures humility, dependence, and connection. In the same way, when we ask God, we acknowledge Him as the source of every blessing and declare our trust in His timing and provision.
When you ask, you’re not twisting God’s arm—you’re opening your heart. Asking draws you nearer to the Giver, not just the gift. And here’s the beautiful truth: God delights when His children come to Him. He doesn’t just want to meet your needs—He wants to deepen your faith, shape your heart, and build intimacy with you through prayer.
Today, don’t hold back. Whether your need is big or small, come boldly before your Heavenly Father. Ask with faith, ask with humility, and ask with expectation. He already knows what you need, but He wants to hear it from you—because prayer is not a transaction, it’s a relationship.
BE BLESSED BEYOND MEASURE!
Chris N. Braza

Comments
Post a Comment