A National Prayer for Breath

By Chris N. Braza
Soul Care International Foundation, Inc.



Lord God,

As a people, we come before You not in pride,
but in need.

We are not asking for luxury or ease.
We are asking for mercy—
just enough grace to breathe freely into 2026.

Many of our people are tired.
Not lazy—tired.
Not faithless—worn down.
Carrying the weight of rising costs,
uncertain futures,
sickness, loss,
and quiet fear.

Lord, hear a nation that is gasping.
Give us breath where life feels tight.
Give us strength where hope is thin.
Give us peace where anxiety rules.

Protect the breath of the poor,
the sick,
the elderly,
the workers,
the children,
and those who feel unseen.

Teach those in authority
that breath is sacred,
that leadership must protect life,
not suffocate it.

As we step toward a new year,
we place our survival in Your hands.
If joy must wait,
let life remain.
If answers delay,
let courage stay.

Lord, let this nation breathe again.

Amen. 

BRAZAAR CHAIN

Isang Pambansang Panalangin para sa Hininga

Ni Chris N. Braza
Soul Care International Foundation, Inc.

Panginoong Diyos,

Lumalapit po kami sa Iyo bilang isang bayan—
hindi mayabang, kundi nangangailangan.

Hindi po kami humihingi ng marangyang buhay.
Hindi rin po ng kaginhawaan.
Ang hinihiling lamang namin ay awa—
sapat na biyaya upang makahinga nang maluwag ngayong 2026.

Marami sa amin ang pagod na, Panginoon.
Hindi tamad—kundi bugbog ng buhay.
Hindi walang pananampalataya—kundi sugatan ng mga pagsubok.

Naririnig Mo ang pagdaing ng isang bayang hirap huminga.
Bigyan Mo kami ng hininga kung saan masikip ang buhay.
Lakas kung saan nanghihina ang loob.
Kapayapaan kung saan nangingibabaw ang takot.

Ingatan Mo ang hininga ng mga mahihirap,
may sakit,
matatanda,
manggagawa,
mga bata,
at ng mga pakiramdam ay nakalimutan na.

Turuan Mo ang mga namumuno
na ang hininga ay banal,
na ang pamumuno ay dapat mag-ingat ng buhay,
hindi sumakal nito.

Habang papalapit ang bagong taon,
ipinauubaya namin sa Iyo ang aming patuloy na pag-iral.
Kung ang saya ay maghihintay pa,
huwag Mo sanang hayaang mawala ang buhay.
Kung ang sagot ay matagal,
panatilihin Mo ang aming tapang.

Panginoon,
pahingahin Mo ang bayang ito—
at hayaang muli kaming makabangon.

Amen.


Comments

Popular Posts