The Power of Persistent Prayer: Lessons from the Persistent Widow (Luke 18:1–8)

By Chris N. Braza

BIOTipsPh

“Then Jesus told his disciples a parable to show them that they should always pray and not give up.” — Luke 18:1


English Version

The Story of the Persistent Widow

In Luke 18:1–8, Jesus shares the parable of the persistent widow. In this story, a widow seeks justice from a judge who neither fears God nor respects people. Despite the judge's refusal, the widow keeps coming back, persistently asking for justice. Eventually, the judge grants her request—not because he is righteous, but because her persistence wears him down.

What Can We Learn?

  1. Never Give Up in Prayer
    Jesus teaches us to pray continuously. The widow's determination reminds us that God values our persistence. Even when answers seem delayed, we should trust that God hears us.

  2. Faith that Moves the Heart of God
    The widow believed justice would be served if she kept asking. Similarly, persistent faith pleases God. Jesus ends the parable by asking, “When the Son of Man comes, will he find faith on the earth?” This challenges us to hold on to faith even when it’s hard.

  3. God is Just and Caring
    Unlike the unjust judge, God is compassionate. If even an unjust judge grants justice because of persistence, how much more will our loving God respond to His children’s cries?

Why Persistence Matters

Persistence shows our trust in God’s timing. It develops our character, deepens our faith, and aligns our hearts with His will. Sometimes, the waiting period is where God transforms us.

Be Blessed Beyond Measure!


Tagalog Version

Ang Kapangyarihan ng Matiyagang Panalangin: Mga Aral mula sa Babaeng Balo (Lucas 18:1–8)

By Chris N. Braza

BIOTipsPh

“Isinalaysay ni Jesus ang isang talinghaga upang ituro sa kanila na dapat silang laging manalangin at huwag mawalan ng pag-asa.” — Lucas 18:1

Ang Kwento ng Matiyagang Balo

Sa Lucas 18:1–8, ibinahagi ni Jesus ang talinghaga ng babaeng balo. Humihingi siya ng katarungan sa isang hukom na walang takot sa Diyos at walang galang sa tao. Kahit ilang ulit siyang tinanggihan, hindi siya sumuko. Sa huli, pinagbigyan siya ng hukom—hindi dahil sa kabutihan nito, kundi dahil sa kaniyang patuloy na paglapit.

Ano ang Matututuhan Natin?

  1. Huwag Sumuko sa Panalangin
    Itinuturo ni Jesus na patuloy tayong manalangin. Ang determinasyon ng balo ay paalala na pinahahalagahan ng Diyos ang ating pagtitiyaga. Kahit mukhang matagal ang kasagutan, makakaasa tayong naririnig tayo ng Diyos.

  2. Pananampalatayang Nakaaantig sa Diyos
    Naniniwala ang balo na makakamtan niya ang katarungan kung magpapatuloy siya. Ganoon din, nalulugod ang Diyos sa matiaga at matibay na pananampalataya. Tinatanong ni Jesus, “Pagdating ng Anak ng Tao, makakasumpong kaya Siya ng pananampalataya sa lupa?” Isang hamon ito na panatilihin ang pananampalataya kahit sa hirap.

  3. Makatarungan at Maawain ang Diyos
    Hindi tulad ng di-makatarungang hukom, ang Diyos ay mapagmahal at makatarungan. Kung ang isang masamang hukom ay nagbibigay ng katarungan dahil sa pagtitiyaga, gaano pa kaya ang ating Diyos na mahabagin sa Kanyang mga anak?

Bakit Mahalaga ang Pagtitiyaga?

Ipinapakita ng pagtitiyaga ang ating pagtitiwala sa tamang oras ng Diyos. Sa panahon ng paghihintay, hinuhubog Niya ang ating karakter at pinapadalisay ang ating pananampalataya. Madalas, sa proseso ng paghihintay tayo higit na binabago ng Diyos.


Conclusion / Konklusyon

The parable of the persistent widow reminds us that God honors unwavering faith and persistent prayer. He hears every prayer and answers in His perfect time. Let us remain faithful, never losing hope, and trusting that God’s justice will prevail.

Ang talinghaga ng matiagang balo ay paalala na pinahahalagahan ng Diyos ang matibay na pananampalataya at walang sawang panalangin. Naririnig Niya ang bawat panalangin at tutugon sa tamang panahon. Patuloy tayong magtiwala, huwag mawalan ng pag-asa, at manalig na mananaig ang katarungan ng Diyos.

Sumaiyo Ang Pagpapalang Higit sa Lahat!

Comments

Post a Comment

Popular Posts